YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 08, 2014

Boracay Action Group, nakatanggap ng speed boat mula sa Aklan Provincial Government

Posted September 8, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nakatanggap ngayon ng speed boat mula sa Aklan Provincial Government ang Boracay Action Group.

Sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony kanina, sinabi ni BAG Adviser/Consultant Leonard Tirol na magsisilbi ding ambulance boat at patrol ang nasabing speed boat.

Nasa jetty port na rin umano ito ngayon at gustong pangalanan ng BAG ni Governor Florencio Miraflores.

Magugunitang nitong nakaraang Abril lamang nang magkaroon ng bagong ambulance fire truck ang BAG na tinaguriang added asset sa kanilang operasyon.

No comments:

Post a Comment