YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, September 11, 2014

Karagdagang ambulansya ng PDRRMC, inaprubahan na sa SP Aklan

September 10, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aprobado na sa isinagawang 31st SP Regular Session kaninang umaga ang pagkakaroon ng karagdagang ambulansya para sa probinsya ng Aklan.

Ito’y matapos na inindorso ni Gov. Joeben Miraflores sa konseho ang pagkakaroon ng isa pang ambulansya upang mas lalo pa umanong matugunan ang emergency response sa probinsya.

Ang nasabing kagamitan ay inindorso din sa Department of Interior and Local Government (DILG), kung saan ibibigay ang nasabing ambulansya sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Samantala, sa ngayon ay wala pang impormasyon kung kailan ito bibilhin ng probinsya at kung magkano ang ilalaan na budget para dito.

No comments:

Post a Comment