YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 09, 2014

Lasing na anak, sinugod ang ama at sinira ang kanilang tindahan sa Boracay

Posted September 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ikinustodiya ng mga pulis ang isang lalaki sa Boracay matapos sugurin ang ama at sinira ang kanilang tindihan.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, umuwing lasing ang anak sa bahay ng kanyang magulang kagabi at nagwawala.

Kaagad umano itong pinagsabihan ng kanyang mga magulang subali’t nagalit umano ang anak at sinugod niya ang kanyang ama.

Dahil dito, minarapat nalang muna ng kanyang pamilya na ipadampot siya sa mga pulis.

No comments:

Post a Comment