YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 08, 2014

PSSupt Samuel Nacion, itinangging ibabalik bilang hepe ng BTAC si Cabural

Posted September 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Itinanggi ngayon ni APPO OIC PSSupt Samuel Nacion ang impormasyong ibabalik bilang hepe ng BTAC si PSInsp. Joeffer Cabural.

Sa kanyang text message na ipinadala sa himpilang ito, sinabi ni Nacion na walang katotohanan ang kumalat na impormasyon.

Nasa Bacolod umano ngayon si Cabural at doon nakaassign bilang hepe sa isang police station.

Magugunitang isa si dating Boracay PNP Chief PSInsp. Joeffer Cabural sa mga sinibak sa pwesto ni PNP Director General Alan Purisima nitong nakaraang taon dahil sa paglabag sa istriktong command policy katulad ng tamang crime statistics reporting.

Samantala, nasa ilalim naman ng pamumuno ni PSInspector Mark Evan Salvo ang Boracay PNP nang kumalat ang usapin tungkol kay Cabural.

No comments:

Post a Comment