YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 10, 2014

Drainage de-clogging ng LGU Malay at BIWC, nagpapatuloy

Posted September 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nagpapatuloy parin ang drainage de-clogging ng LGU Malay at BIWC.

Nabatid na ilang manhole na rin sa harap ng Boracay Hospital at Health Center ang binuksan at pinagtulungang linisin ng LGU sa pamamagitan ng BSWAT o Boracay Solid Waste Action Team kasama ang BIWC o Boracay Island Water Company.

Magugunitang nagkaroon ng consultative meeting ang mga establisemyentong apektado ng baha at ang Boracay Redevelopment Task Force matapos matuklasan ng LGU ang ilang illegal connection sa drainage sa harap ng nasabing ospital.

Samantala, hinihintay din ng BRTF ang paggana ng pumping station ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority kung kaya’t nilinaw ng mga ito na pansamantalang solusyon lamang sa inirereklamong baha ang ginagawang drainage de-clogging.

No comments:

Post a Comment