YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 09, 2014

Island Hopping at Parasailing, ilan sa mga nagustuhang aktibidad ng PHITEX Buyers sa Boracay

Posted September 9, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Patok sa mga taga Philippine Travel Exchange o PHITEX Buyers ang island hopping at parasailing sa Boracay nitong nakarang linggo.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, tatlumpong tour operators at mga negosyante mula sa pitong bansa ang nag-enjoy sa isla ng Boracay dahil sa nasabing aktibidad.

Magugunitang sinabi ni DOT 6 Regional Director Atty. Helen Catalbas sa isang press release na mismong ang mga PHITEX Buyers ang pumili sa isla ng Boracay dahil isa umano ito sa mga sikat tourist destination.

Kaya naman nitong Sabado at Linggo, sinubok ng mga nasabing turista ang iba’t-ibang aktibidad at binisita ang ilan sa mga magagandang lugar sa Boracay bilang bahagi ng consumer promotion ng Department of Tourism.

Samantala, maliban sa island hopping at parasailing, sinabi pa ni Velete na pinili naman ng ilan sa mga buyers ang mag-night out.

No comments:

Post a Comment