YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 08, 2014

Lalaki sa Boracay, inereklamo ng panggugulo ng nakababatang kapatid sa BTAC

Posted September 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inereklamo ng kanyang nakababatang kapatid ang isang lalaki sa Boracay matapos itong manggulo at maghamon ng away.

Ayon sa report ng BTAC, nalamang nasa isailalim ng nakalalasing na inumin ang 38 anyos na hindi na pinangalanang lalaki nang tumungo sa bahay ng kanyang nakababatang kapatid na 33 anyos sa So. Cagban Manoc-manoc Boracay.

Nagkaroon umano ng mainit na argumento sa pagitan nilang dalawa, kung saan nagresulta ng komosyon sa nasabing lugar.

Kaagad namang inawat ng mga naka-assigned na pulis sa lugar ang nasabing pangyayari, kung saan inereklamo din ito ng na-agrabyadong nakababatang kapatid.

Samantala, matapos isagawa ang medical check-up sa Boracay Hospital ay pansamantala munang ikinustodiya sa BTAC ang lasing na kapatid para sa karapatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment