YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, August 15, 2014

Warning signage’s ng DPWH sa ginagawang road widening project sa Aklan, pinamamadali ng SP

Posted August 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Hiniling ngayon sa pamamagitan ng isang resolusyon na ipinapasa sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan na madaliin ang paglalagay ng mga warning signage’s ng DPWH.

Ito’y kaugnay sa ginagawang province wide road widening project ng nasabing ahensya sa mga national highway sa Aklan.

Ayon sa may akda ng nasabing resolusyon na si SP Member Roberto Garcia, Jr., kailangan ang pagkakaroon ng sapat na mga warning signage’s sa national highway mula sa bayan ng Altavas papuntang Malay, lalo na sa mga bahaging sumasailalim sa road widening project.

Inaasahang kapag natapos na ang nasabing proyekto ay magiging madali na sa mga residente ang pagbiyahe o maging sa mga local tourist na gustong pumunta sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment