YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, August 14, 2014

Expansion ng Boracay Hospital, pinahinto

Posted August 14, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Tiyak na matatagalan pa bago muling magamit at mapakinabangan ang Boracay Hospital.

Isang stoppage order kasi ang ibinaba ng LGU Malay para dito dahil sa wala pala itong building permit.

Ayon kay Municipal Engineer OIC Engr.Arnold Solano, nagrequest at nabigyan na ng demolition order ang nasabing ospital, subali’t wala parin umanong nag-aaplay ng building permit nito kahit nagpapatuloy na ang construction project.

Kaugnay nito, iginiit naman ni Solano na dapat paring magkaroon ng building permit ang ospital na isa ring government facility.

Samantala, sinabi pa ni Solano na may reklamo din silang natanggap dahil sa konstraksyon ng opspital maliban sa kawalan nito ng building permit.

Magugunitang sinimulan nitong nakaraang buwan ng Marso ang pagpapalapad ng nasabing ospital na pinondohan naman ng DOH o Department of Health ng 40 million pesos.

No comments:

Post a Comment