YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 11, 2014

Boatman, sinaksak ng ice peak sa Boracay

Posted August 11, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kaagad na isinugod sa ospital ang isang boatman matapos saksakin ng ice peak sa Cagban Manoc-manoc, Boracay kagabi.

Nakilala sa police report ng Boracay PNP ang biktimang si Pedring Aser, 31 anyos ng Pob. Ivisan Capiz, habang arestado naman at ikinustodiya ng mga pulis ang suspek na si Joseph Baylon, 29 anyos ng Lawaan, Antique.

Ayon sa report ng biktima sa mga pulis, naglalakad ito malapit sa isang sari-sari store doon nang bigla umano itong sinaksak sa dibdib ng suspek gamit ang ice peak sa hindi malamang rason.

Ayon pa sa biktima, hindi din umano nito kilala ang suspek at wala syang nakaalitan.

No comments:

Post a Comment