Posted August 15, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sumbong ng biktimang si Russel Alfeche, 40 anyos ng
Jaro, Iloilo City, alas otso kagabi nang pumasok sa kanyang kwarto ang kanyang
kasintahan na si Mercy Bronzal, 41 anyos ng Bataan province at kinuha ang
kanyang ATM Cards at passbooks nang hindi nya nalalaman.
Ayon pa sa biktima, ala una kahapon ng hapon nang
tumungo sya sa bangko at sinuri ang kanyang account nang malamang winidraw ng
kanyang kasintahan ang 100, 000 pesos na papaloob sa kanyang ATM.
Natangay din mula sa biktima ang kanyang cellphone
at tatlo pang ATM cards ng iba’t-ibang bangko.
Samantala, nagpapatuloy naman sa ngayon ang
imbestigasyon ng mga taga Boracay PNP Station hinggil sa nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment