YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 13, 2014

Mga youth leaders sa Malay at Boracay tampok sa Red Cross Youth Assembly ngayong Setyembre

Posted August 13, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Philippine Red Cross Youth logoTinatayang aabot sa 450 na mga youth leaders ang dadalo sa isasagawang Red Cross Youth Assembly ngayong darating na Setymebre 6 sa Boracay.

Ito ay kinabibilangan ng mga-aaral mula sa public at private school sa bayan ng Malay at isla ng Boracay.

Inaasahang ilang organisasyon din sa isla ang dadalo rito kasama ang LGU Malay sa pangunguna ni mayor John Yap.

Nabatid na matindi ang pagsasanay ng Philippine Red-Cross Boracay-Malay Chapter sa mga youth leaders ng henerasyon kabilang na ang pagtulong sa kapwa at matuto ng makabuluhang bagay.

Layunin ng nasabing assembly ay para maipaabot pa sa mga kabataan ang kahalagahan ng isang youth volunteer.

Samantala, ito ay gaganapin sa Manoc-manoc covered court sa isla ng Boracay ngayong darating na September 6 2014.

No comments:

Post a Comment