Posted August 13, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sumbong ng 29 anyos na hapon, naglalakad ito alas
onse y medya ng gabi sa Balabag Boracay nang biglang hilahin ng inakala nyang
babae at dinala sa madilim na bahagi ng isang resort sa lugar para sa isang
panandaliang aliw.
Ayon pa sa hapon, hiningan umano siya ng pera ng
inakala niyang babae pagkatapos, subali’t wala siyang maibigay at sa halip ay
iniabot nito ang kanyang 18k na gold ring.
Nang makarating sa tinutuluyang resort, doon na
napagtanto ng hapon na isang bading o lady boy pala ang kanyang nakasalumuha
kaya’t kaagad itong humingi ng tulong sa BTAC.
Samantala, sa isinagawa namang follow-up
investigation ng BTAC ay boluntaryong isinuli ng lady boy ang gintong singsing
ng hapon.
No comments:
Post a Comment