Posted August 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma ng mga taga Boracay PNP Station,
kasabay ng pagsampa na ng kaso sa tatlong bar owners dahil sa paglabag sa Republic
Act No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Law of 2003.
Magugunitang sinalakay nitong nakaraang Huwebes ng
mga operatiba ng Boracay PNP, Aklan Police Provincial Office at DSWD ang
tatlong videoke bar sa Barangay Manoc-Manoc, at Yapak kung saan nailigtas ang
mga nasabing kababaihan.
Napag-alaman din na ang mga biktimang babae ay
sangkot sa one place to another o inililipat sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Samantala, sinubukan namang kunan ng pahayag ng
himpilang ito ang Aklan Provincial Social Welfare and Development Office,
subalit tumanggi muna ang mga itong magsalita.
No comments:
Post a Comment