YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 12, 2014

Security Officer na binugbog at ninakawan ng pera at baril nitong nakaraang linggo, magsasampa umano ng kaso

Posted August 12, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Robbery at physical injury.

Ito ang umano ang kasong inihahanda ni Elizer Donato, ang security officer na binugbog at ninakawan ng pera at baril nitong nakaraang linggo.

Base sa text message ni Donato sa himpilang ito, tumungo na sila sa Aklan Provincial Prosecutor’s Office nitong umaga para sa regular filing ng nasabing kaso.

Magugunitang pinagtulungang bugbugin si Donato ng dalawang lalaki sa Sitio Bolabog Balabag at tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng humigit-kumulang 30 mil pesos na cash, tseke at kalibre 38 baril at tumakas.

Samantala, sa isinagawang follow up operation ng Boracay PNP, positibo namang kinilala ng biktima ang isa sa dalawang suspek na si Arold Brigido ng San Jose Romblon.

No comments:

Post a Comment