YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, August 14, 2014

Massage therapist, iniimbestigahan matapos mawalan ng cell phone ang costumer na Arabo

Posted August 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Iniimbestigahan ngayon ng mga taga Boracay PNP ang isang massage therapist sa Boracay matapos na mawalan ng cell phone ang kanyang costumer na Arabo.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, kumuha ng dalawang massage therapist ang pinsan ng Arabong si Abdullah Olayan Mohammed, 30 anyos ng Saudi Arabia kaninang madaling araw.

Subalit sa pag-alis umano ng huling pumasok na massage therapist na hindi muna pinangalanan ay nalaman na nawawala na ang iPhone 5s na cellphone ni Mohammed.

Hinala ng mga ito na ang huling pumasok na massage therapist ang kumuha ng kanyang cellphone, sapagkat sa unang pagpasok ng kasama nito at sa pag-alis ay andoon pa umano ang kanyang cellphone.

No comments:

Post a Comment