Sapagkat pormal nang hiningi ng Philippine National Red
Cross Malay-Boracay Chapter sa Sangguniang Bayan na magpasa ng batas ang
konseho upang gawin nang requirements na isailalim sa pagsasanay ng “first aid”
ang mga nagtatrabaho sa Boracay para sa
safety nila ang nga mga turista.
Bagamat naipresenta na ng Red Cross sa SB tatlong linggo na
ang nakakalipas ang kaugnay dito at sa kanilang operasyon at mga plano ngayon
taon, isinunod agad nila ang kanilang kahilingang ito.
Gayon din huminling din ang Red Cross ng tulong para sa iba
pang serbisyo nila gaya ng bulontaryong pag-donate ng dugo at insurance na
ino-offer nila sa publiko.
Gayong naisama na ang kahilingang ito ng Red Cross sa agenda
ng SB, itatakda naman ang pagdinig para dito na pangungunahan ng Committee on
Public Safety, upang lubusan na ngang maging batas ito. | ecm 092012
No comments:
Post a Comment