Ito umano ang isa sa malaking problemang kinakaharap ng
nasabing konseho, dahilan upang magpatawag ng pulong kahapon si Malay Mayor
John Yap.
Sinabi nito na ang ganitong problema ay nararapat na bigyang
pansin mismo ng Lokal na pamahalaan ng Malay, para sa ikabubuti ng operasyon ng
mga taga Peace and Order Council dito.
Natuklasan umano kasi ng LGU na kulang ang ginagamit na
intelligence fund partikular sa mga taga-Pulis Boracay.
Napag-alamang ang nasa kuwerenta’y dos mil pesos na pondo
para sa mga taga Boracay pulis, ay kulang na kulang, sa bayarin pa lamang sa
tubig at kuryenteng ng nasabing estasyon.
Ayon pa kay Vice Mayor Cesiron Cawaling, papaanong
makapagtrabaho ng mabuti ang mga pulis kung kulang ang kanilang pondo,
halimbawa sa mga pambili ng mga suplay na ginagamit sa kanilang operasyon.
Napag-alaman ding umaabot sa P1.5 million ang inilaan ng LGU
Malay para sa nasabing Intelligence Fund, subali’t talaga lamang na mahigpit
umano ang Commission on Audit.
Ayon naman kay Mayor John Yap, hindi rin pupuwedeng basta na
lamang silang magbigay ng tulong pinansyal sa mga pulis, lalo na kapag galing
sa sarili nilang bulsa.
Ang magagawa na lamang umano ng LGU at nga mga ng mga nangakong
resort sa Boracay ay ang tulong pagdating sa mga kinakailangang supplies ng mga
pulis.
Maliban sa mga pulis, nangako din ang alkalde na tutulongan
din ang mga kahalintulad na problema ng sundalo, Coast Guard, at mga taga-Bureau
of Fire dito. | md092012
No comments:
Post a Comment