Ito ay dahil kapag naririto na sa Boracay ang mga law
enforcers, may mahuli man sa mga ito ay mabilis din kumalat ang balita kaya nagtatago
at hindi na pumapasada ang mga habal-habal driver.
Bagamat natatawa, sinabi ni Raul Rowan, Law Enforcement Team
Leader ng LTO-Aklan, na nagsagawa ng operasyon sa Boracay simula nitong nakaraang
Martes.
Aniya, kapag naririto sila sa isla ay nagtatago din ang mga
driver ng motor, at pagtalikod nila kaniya-kaniyang balik din sa pamamasada
kaya mahirap talagang masugpo ang mga ito sa kalye.
Ganoon pa man, may mga nahuhuli naman umano sila at
kalimitan sa mga ito ay, driving without license, expired ang lisensiya, walang
helmet ang angkas, at kulang ang side mirror ang kanilang mga sasakyan.
Samantala, nilinaw naman nito na ang mga nakumpiskang lisensiya
matapos ma-isyuhan ng violation ticket ay dapat sa LTO Office sa bayan Kalibo puntahan
dahil dadalhin nila ito at doon din dapat i-proseso at magbayad.
Kaugnay naman sa isyu kung saan ay pinapaunta sa Cagban,
Manoc-manoc ang mga may-ari ng lisensiya para doon tubusin, sinabi ni Rowan na
hindi nito alam na may ganoon palang mga isyu kaya hindi umano nito masasagot ang
nasabing bagay.
No comments:
Post a Comment