Ito ay makaraang ihayag ni Engr. Arnold Solano, Special
Project Officer ng Malay, ang sinapit ng proyektong ito mula sa kamy ng kontraktor
na gumawa ng landfill.
Nabatid na niliitan umano ng kontraktor ang lugar na
tinatambakan dapat ng mga residual taliwas sa nakasaad sa planong desinyo at
resulta ng pag-aaral na ginawa ng grupong Japan International Company Agency (JICA).
Ilan lamang ito sa problemang nakita at isiniwalat ni Solano
sa question hour nitong umaga sa SB.
Bagamat hindi pa naibibigay sa kontraktor ang bayad para sa
pag-gawa sa land fill gayong hindi pa na-release ang loan para dito, isiniwalat
ng engineer na halos tapos na ang proyekto dahil nasa siyam napung pursiyento
na ang nagagawa dito.
Tila hindi rin matanggap ng konseho na binago ng kontraktor
ang disenyo ng proyekto na hindi manlang ipinagpa-alam sa LGU Malay.
Dahil dito, nababahala ang mga konsehal na baka mamalisyahan
pa sila sa sinapit ng land fill, lalo na at milyong piso ang gagastusin at
naging palpak pa.
Dagdagan pa umano na utang ito ng bayan at binabayaran
ang interest, gayong ang konseho ang nag-aproba sa proyekto ito kaya lahat
halos sila ay may pananagutan sa publiko. | ecm 092012
No comments:
Post a Comment