Aniya, dismayado ito sa sitwasyon dahil kamakailan lang ay
nalaman nitong may aksidente na namang nagyari sa nasabing area at ito ay dahil
sa kawalan ng nakabantay na traffic enforcer.
Kaugnay nito, nakatakdang padalhan ng kominikasyon ng
Committee on Public Safety ng SB ang traffic officer sa mainland ng Malay para
sa isang pagdinig.
Sa sitwasyon umano ng kalsada dito at malalaking sasakyan
ang dumadaan, inaasahan na ni Gallenero na may mga nakabantay at nagbibigay ng
direksiyon sa trapiko, subalit hindi ito nangyayari.
Layunin ng nasabing konsehal na maging ligtas ang publiko na
dumadaan dito lalo na ang mga turista.
Kung matatandaan, pinuna ang sitwasyong ito ng ilang
miyembro ng konseho may ilang buwan na ang nakakalipas. | ecm092012
No comments:
Post a Comment