Ang bagay ay nakumpirma ng himpilang ito mula sa BTAC o
Boracay Tourist Assistance Center, na sinabi rin ni Mayor John Yap nang
magpatawag ito ng Municipal Peace and Order Meeting.
Nabatid na simula pa ika labing anim hanggang ikadalawampu’t
isa ng Setyembre ng taong kasalukuyan ay dumating ang mga relieve order mula sa
Regional at Provincial Command ng PNP.
Kasama sa mga narelieve na mga pulis ay isang SPO1, dalawang
PO3, at mga may ranggong PO1 mula sa RMG o Regional Mobile Group na itinalaga
dito sa isla.
Napag-alamang ang naunang dalawang ranggong ng mga pulis ay
dito lang din sa Aklan inilipat, habang lahat halos ng mga taga-RMG ay ibinalik
sa kung saang probinsya sila dating naka assign.
Sinasabing matagal na rin umano talaga gustong magpa relieve
ng ilang pulis dito sa isla, habang ang iba naman ay narelieve dahil umano sa
kanilang attitude problem. | md092012
No comments:
Post a Comment