Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM
Boracay
Upang matulungan ang mga pasyenteng nagkasakit ng dungue na
madugtungan ang kanilang buhay sa paraan ng pagbibigay ng dugo, nananawagan ang
Philippine National Red Cross Boracay-Malay Chapter sa pamamagitan ng kanilang
Chapter Administrator Marlo Schonenburger na suportahan din ang kanilang mga
programa o blood letting activity na gagawin sa Hulyo 12 sa bayan ng Malay
partikular sa Huwebes.
At bilang pagtupad na rin sa commitment na ipinangako ng
lokal na pamahalaan ng Malay na isang daang bag ng dugo taon-taon na magmumula
sa bayang ito, Sa Hulyo 18 ay mayroon ding blood letting activity ang Red Cross
sa isang resort sa Station 2 sa Boracay.
Aniya, bagamat nitong nakalipas na mga buwan ay nagkaroon na
sila ng naturang akbidibad, pero ngayong kailangan sa probinsiyang ito ang dugo
para madugtunagan ang buhay ng isang indbidwal, bulontaryong tulong ang hiling
ngayon ng Red Cross sa sino mang pwedeng makagawa nito.
No comments:
Post a Comment