Mahigit labingtatlong na taon ang nakalipas matapos maibaba
ang warrant of arrest, natimbog din ng mga otoridad ang trenta’y uno anyos na
lalaki matapos sampahan ng kasong murder o pagpatay noong taon pa ng 1998.
Sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case number OD
1201 na inisyu ni Hon.Judge Francisco F. Fanlo, Executive Judge RTC 4th
Judicial Region Branch 82, ng Odiongan Romblon, nadakip mismo kahapon ng mga
taga Boracay PNP sa station 2 Balabag, Boracay ang akusadong si Jovar Lorenzo y
de Juan ng Claro M. Recto, Ferrol, Romblon, at kasalukuyang residente ng
barangay Yapak, Boracay.
Ayon kay PSI.Loren Bigay ng Boracay PNP, ilan sa mga
kasamahan ng naturang suspek ay patuloy paring pinaghahanap ng mga otoridad,
habang ang iba ay sumakabilang buhay na.
Subali’t ang naunang nabanggit na suspek ang natiyempuhan
kahapon, matapos makita at isumbong sa mga pulis ng mismong kaanak ng kanilang
umano’y biktima.
Nakatakda namang ipagkatiwala sa Romblon PNP ang akusado
para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment