Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM
Boracay
Naniniwala si Miguel “Mike” Labatiao, Supervisor ng Life
Guard Boracay, na magiging epektibo sana kung tila “Baywatch” kahigpit ang
sistema ng Life Guard na ipapatupad nila sa pagbabantay sa baybayin ng Boracay.
Ang tinutukoy nito na mala “Baywatch” ay may taong
nagbabantay sa baybayin at doon sa taas ng life guard tower, para i-monitor ang
pangyayari sa beach, at ang iba ay nagro-roving din.
Pero mistulang mahirap pa umano ito sa bahagi nila ngayon,
dahil sa kulang pa sila sa tao, sapagkat labing walo lamang ang mga ito habang
may limang life guard tower at dalawang estasyon pa silang kailangang mapatauhan.
Samantala, ngayong madalas sumama ang panahon dahil sa Habagat
Season, sinabi ni Labatiao na pai-igtingin nila ang pag-gamit ng red flag sa
baybayin ng Boracay, kung saan balak umano nilang dagdagan pa ng mga poste para
dito na ilalagay sa life guard station at tower.
Aniya, ang pagtaas sa red flag na ito ay kapag mapanganib na
talaga ang maligo sa beach at pumalaot para sa iba’t ibang sea sports activities
sa Boracay lalo na kung may bagyo o naglalakihan ang mga alon upang mabigyang
babala ang publiko.
No comments:
Post a Comment