Tila hindi nagustuhan ng mga stakeholders sa Boracay ang
panukala ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na bumuo ng Boracay Island Council.
Ito ay bahagi ng Senate Bill o section upang mabigyan ng
titulo ang mga lot owners sa Boracay.
Nitong nagdaang katapusan ng Hunyo, katulad sa reaksyon ni
Aklan Rep. Florencio Miraflores, si BFI Board of Trustee Loubelle Cann ay
nagtanong sa kongresista kung para saan ang BIC, na baka makapag-dala pa ng
gulo sa pamamahala ng LGU Malay.
Bilang tugon naman ni Miraflores sa usaping ito na kanya ring
inihayag sa harap ng mga stakeholders, sinabi nito na may nabuo siyang istratehiya,
kung saan hindi niya muna kukontrahin ang panukala ni Escudero para mapadali
ang pag-aapruba sa house bill, saka na lang din nila umano hihingin na
tanggalin na lang ang section na ito.
Kung matatandaan, ang senado ay nagpasa din ng katulad na
panukala sa house bill ni Miraflores na mabigyan na ng titulo ang lot owners sa
Boracay.
Kaya lang ay humiling sila na dapat may BIC o Boracay Island
Council sa isla sa ilalim ng pamumuno ng pangulo ng bansa at ang miyembro nito
ay ang mag-rekomenda lamang ang kapangyarihan at ang nasyonal na ang
magpapatupad.
No comments:
Post a Comment