Ni Edzel Mainit, Filed Reporter, YES FM Boracay
Kauna-unahan sa kasaysayan ng Boracay na bisitahin ng isang
napakalaking cruise ship na naka base sa Estados Unidos.
Dadaong ang barkong ito sa ika-27 ng Oktubre dito sa isla ng
Boracay na inaasahang magtatagal ng walong oras.
Gayon pa man, aasahang ang sakay na aabot sa dalawang libong
pasahero at isang libong tripulate ay baba at mamamasyal muna sa isla bilang
bahagi ng kanilang paglilibot sakay ng barkong Legend of the Seas.
Nabatid mula kay Marz Barnabe, Techinical Staff ng Caticlan
Jetty Port, na sampung beses ang laki ng barkong ito kaysa sa barkong dumadaong
dito sa Caticlan na may rutang Batangas.
Subalit ayon kay Bernabe hindi pa talaga nila matukoy ngayon
kung saan partikular na bahagi ng Boracay dadaong sapagkat tinitingnan pa umano
nila ang panahon sa araw na iyon, dahil sa Habagat Season.
Sakali mang malakas ang alon sa front beach, baka sa
pantalan ng isang malaking resort sa Balabag sa likod ng isla dadaong ang
barkong ito.
Samantala, matapos aniya ng pagbisita ng Legend of the Seas
na ito sa Boracay, didiretso naman ang barko sa bansang Malaysia.
No comments:
Post a Comment