Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Naperwisyo ang bakasyon ng isang media man sa Boracay,
matapos itong mabiktima ng pagnanakaw sa station 2 Balabag kahapon ng umaga.
Nakipaghabulan pa sa suspek ang biktimang si Paulo Valera y
Arzaga, miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas, at residente ng
Kasambagan, Cebu City.
Naging mabilis naman ang pagresponde ng mga taga Boracay
PNP, matapos makahingi ng saklolo ang isang estudyanteng kasama nito.
Nabatid sa report ng Boracay Police, mag-aalas singko na ng
umaga kanina, nang isinabit ng mga ito ang kanilang bag sa isang wind breaker doon
upang maligo sa dagat.
Makalipas ang limang minuto, nang makita umano ng kasama ng
biktima ang isang lalaki na nasa aktong kinukuha ang kanilang mga gamit at
mabilis na tumakas.
Kaagad hinabol ng biktima at ng taumbayan doon ang suspek,
na kaagad namang nakorner malapit sa isang bar.
Narekober ang dalawang cellphone, wallet na naglalaman ng
pera, driver’s license, KBP Media card, mga ATM card at iba pang mga ID ng
nasabing brodkaster.
Ipinasok naman sa kulungan ng Boracay Police ang trenta’y
sais anyos na suspek na si Hermie Padernal ng Calinog, Iloilo.
Samantala, pag-follow up pa ng mga pulis, narekober ang isa
pang cellphone ng biktima na sinabing ibinaon ng suspek sa buhangin.
No comments:
Post a Comment