Tiniyak mang nakasara ang mga bintana at pinto, napasok pa rin
ng hindi nakilalang suspek o mga suspek ang tinutuluyan ng isang call center
manager ng Rockwell Center, Makati kaninang madaling araw sa Sitio Tambisaan,
Manoc-manoc, Boracay.
Ito ang naging manipesto ng trenta’y otso anyos na biktimang
si Daniel “Dan” Vogel, isang British National, matapos respondehan ng mga police
Boracay ang nasabing insidente.
Kuwento nito sa mga pulis, tinangay ng suspek o mga suspek
ang kanyang Luck Goldstar DVD Player na nagkakahalaga ng sampung libong piso,
Sony PS3 na nagkakahalaga ng bente singko mil pesos, Apple-Macintosh laptop na
nagkakahalaga ng nubenta mil pesos, DS Nintendo na nagkakahalaga ng bente
singko mil pesos, dalawang Ipod na tig-sasampung libong piso, isa pang Ipod na
nagkakahalaga ng singkuwenta mil pesos, Iphone 4S na nagkakahalaga ng
singkuwenta mil pesos, isang Sony Digital water proof camera na nagkakahalaga
ng bente singko mil pesos.
Idinagdag pa ng biktima ang pagkawala rin umano ng kanilang
Adidas back pack na naglalaman ng perang mahigit-kumulang dose mil pesos, at
isang school bag na nagkakahalaga ng dalawang libong piso.
Sa pag-inspeksyon ng mga pulis, napansing ang stainless wire
ng bintana ng kuwarto ng biktima at asawa nito ay bahagyang nabuksan gamit ang
hindi natukoy na instrumento.
Maging ang cookies sa refrigerator ay pinaniniwalaang
pinatos pa ng mga salarin.
Ang mansanas na nakalagay din doon ay napansing may kagat na
at natagpuan na lamang sa kuwarto ng kanilang anak.
Kuweto pa ng biktima, pasado ala una kaninang madaling araw
nang gumising ito at bumangon upang tiyaking nakasara ang lahat ng kanilang
bintana at pintuan.
Nagulat na lamang umano ito nang mapansing nakatiwangwang na
ang kanilang bintana at sliding window.
Matapos naman ang imbistigasyon ng mga taga SOCO Boracay, ay
pinayuhan ang mga itong maglagay ng ilaw sa kanilang bakuran at palagyan ng
grills ang kanilang mga bintana, upang hindi na maulit ang insidente.
No comments:
Post a Comment