Ni Edzel Mainit, Filed Reporter, YES FM Boracay
Namutawi ang ngiti sa labi ng mga konsehal ng Sangguniang
Bayan ng Malay ng marinig ang “oo” na siyang naging tugon ng Finance Department
ng LGU.
Ito’y sa likod ng katanungan na kung kakayanin ba ng loan
capacity ng lokal na pamahalaan ng Malay ang dalawampung milyong piso para
mag-finance sa isang daang unit ng e-trike sa Boracay.
Ito ang nalaman ng SB Malay nang ipatawang sa sisyon kahapon
ang Municipal Accountant, Municipal Treasurer at Budget Officer, upang mabatid
ang financial capacity ng LGU.
Ito ay dahil ang bagay na ito ay mahalagang malaman upang
maaprobahan na nila ang resulosyon na nagbibigay awtoridad sa Alkalde na pumasok
sa isang kasunduan sa gitna ng Department of Energy (DoE) at Asian Development
Bank (ADB) na siyang partner sa programang e-trike na ito.
Bunsod nito wala nang nakitang problema ng konseho kung
pagpi-finance sa isang daang e-trike ang pag-uusapan, maliban na lamang sa nga konsdisyon na ilalatag nila sa
magbibinepisyo sa mga unit.
Gayong ang LGU Malay
ang siyang gumastos muna para madala sa Boracay ang mga unit na ito lalo pa at ang pera ng bayan ang nakasalalay para sa
programa, kaya dapat ay masigurong mapanindigan umano ng tatanggap ang
obligasyon nito sa LGU, kung sakali.
No comments:
Post a Comment