Friday, June 16, 2017

Dahil sa hindi natapos na Water Sports Activities, commisioner ini-reklamo ng bisita

Posted June 16, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for boracay pnpNag-reklamo sa Boracay Tourist Assistant Center (BTAC) ang isang lalaki dahil umano sa hindi natapos na water sports activities na kanilang kinuha sa nagpakilalang komesyoner.

Ang nagrereklamo ay si John Melwin Garcia, 22-anyos ng Sampaloc Manila at pansamantalang nakatira sa hotel sa nasabi ring lugar.

Ayon sa salaysay ng biktima, kumuha umano sila ng water sports activity ng kanyang girlfriend sa isang commissioner na si certain “Berhill” at nagbayad P 3, 800 para sa Island hopping, Helmet diving at fliyfish.

Dagdag pa ni Garcia nagamit naman nila ang Island hopping at Helmet diving subalit ang flyfish umano ay hindi dahil sa wala na raw oras pero pinangakuan sila ni certain “Berhill” na i-avail nila ito kinabukasan.

Kaugnay nito, kahapon sana ang kanilang kasunduan na gagawin ang flyfish ngunit hindi nagkatugma ang kanilang schedule na pinag-kasunduan.

Samantala, minabuti paring puntahan ng biktima ang suspek sa kanilang pinag-usapang lugar subalit wala ito doon kung saan sinubukan itong tawagan ng biktima pero nagdahilan itong nasa Carabao, island.

Dahil dito, dahilan upang ipa-rekord ng biktima ang reklamo sa Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment