Tuesday, June 13, 2017

Vault ng isang apartment sa Boracay, nilimas ng magnanakaw

Posted June 12, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Isang empleyado ang nagpa-rekord sa Boracay PNP matapos umanong pagnakawan ang kanyang pinagta-trabahuhang apartment sa Station 3 Brgy. ManocManoc, Boracay.

Sa blotter entry, nagulat na lamang umano sila ng kanyang mga katrabaho ng madatnan na bukas na ang vault ng kanilanag pinagta-trabahuhan.

Naglalaman umano ang naturang vault ng P 11, 000 cash na pera at 50 US Dollar.

Napag-alaman din na ayon sa nagreklamo ay meron umanong marka ng footprints sa higaan at upos ng sigarilyo sa lugar kung saan pinaniniwalaan bakas iyon ng hindi  pa nakikilang suspek.

Samantala, inaalam na ng mga pulis kung saan  dumaan at ang pagkaka-kilanlan ng suspek.

No comments:

Post a Comment