Posted June 15, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Nag-umpisa ang programa sa pag-salarawan ni DepEd Malay
PSDS Jessie Flores ng kultura ng Malay at kung paano ito namayagpag sa
industriya ng turismo pagkatapos nitong humiwalay sa bayan ng Buruanga noong
taong 1949.
Naging bahagi ng selebrasyon sina Aklan Governor Florencio
Miraflores at Buruanga Mayor Concepcion “Inday” Labindao bilang pangunahing
panauhin na dinaluhan din ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga asosasyon
at kooperatiba sa Malay.
Nagbigay pugay din si Mayor Cawaling sa pamilya ng Santa
Maria, Aguirre at iba pang pamilyang Malaynon sa pagpusigi nito noon na maging
bayan ang dating Barrio Malay na bahagi pa ng Buruanga.
Nasaksihan sa pagdadaos na ito ang iba’t- ibang pagtatanghal
ng mga Malaynon lalo na ng Boracay National High School na isinalin sa sayaw
ang kultura ng mga taga Bolabog sa Boracay ang “Panginhas” o pagpulot na lamang
dagat sa dalampasigan.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng LGU Malay sa
mga nakibahagi at nagbigay ng suporta sa naturang selebrasyon.
Ang selebrasyon na ito ay nagpapa-alala ng paghihiwalay
ng Malay na dating bahagi at baryo sa Bayan
ng Buruangga na inaprubahan noong June 15, 1949 dahil sa bisa ng Republic Act No. 381 na pinirmahan ni
dating Pangulong Quirino.
No comments:
Post a Comment