Friday, June 16, 2017

Panelo, darating sa Aklan

Posted June 16, 2017
NI Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 1 person, smiling, sunglassesNakatakdang dumalo si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa gagawing media forum sa probinsya ng Aklan sa Hunyo 24.

Ang pagbisita ni Panelo ay para magbigay umano ng makasaysayang media forum sa pamamagitan ng Aklan Press Club kung saan isa sa mga tatalakayin niya dito ay patungkol sa Martial Law at Human Rights.

Maliban kay Panelo, tatalakayin din ng ibang tagapagsalita ng Duterte Administration ang tungkol sa pederalismo na pangungunahan ni DILG Undersecretary John Castriciones at  “Dutertenomics” na ipapaliwanag ni Finance Secretary Carlos Dominguez.

Gaganapin ang forum sa Aklan training center sa Kalibo at dadaluhan ng mga media sa Aklan, stakeholders, at ibat-ibang mga ahensya sa probinsya.

Ang media forum ay inorganisa para bigyang karangalan ang namayapang former Aklan Congressman Allen Salas Quimpo.

Matatandaan na una nang nagtungo at isa-isang nagbahagi at nagpaliwanag ng kanilang kaalaman ang mga tagapagsalita ng Pangulo sa pederalismo dito sa isla ng Boracay noong nakaraang taon.

No comments:

Post a Comment