Tuesday, June 13, 2017

Ika-119 anibersaryo ng Independence Day, ginunita sa Boracay

Posted June 12, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for happy independence day philippines 2017Kasabay ng paggunita ng ika-119 anibersaryo ng Independence Day o Araw ng Kalayaan, ilang grupo nagsagawa ng motorcade at maikling programa kaninang umaga.

Ang LGU-Malay at BFRAV ay nagsagawa ng joint flag ceremony habang meron namang gift giving sa Baranggay Yapak na dinaluhan ng mga kandidata ng 2017 Miss Global Philippines.

Pinangunahan naman ni Mayor Cawaling ang Lateral Coordinated Meeting ng mga organic enforcer at pinag-usapan ang peace and order situation sa Boracay.

Samantala, kasamang naki-isa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay ilang mga motorcycle clun tulad ng Phil Bikers Neutralizers, Islanders Boracay at mga miyembro ng Kabalikat Civicom.

Bilang pakiki-isa, may mga bahay at establisyemento ring nag latag at nagsabit ng watawat ng Pilipinas tanda ng kanilang pagsuporta sa panawagan ng katahimikan sa Mindanao.

Samantala, iba’t ibang pagdiriwang naman ang inihanda ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para gunitain ang Araw ng Kalayaan.

No comments:

Post a Comment