Posted June 12, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Kalaboso sa
pagbebenta ng ipinagbabawal na droga ang isang meat vendor sa isla ng Boracay.
Ang naarestong suspek
ay kinilalang si Bryan Colesio, 28-anyos, ng General Santos City at nakatira sa
Sitio Tambisaan, Brgy. Manocmanoc.
Ang suspek ay
nabilhan ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng P1, 000 buy bust
money kung saan sa isinagawa pang body search nakuhaan pa ito ng tatlo pang
sachet ng ipinagbabawal na droga.
Nahuli si Coliseo
sa pinagsamang pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Malay
municipal police station, Boracay PNP, Philippine Drug Enforcement Agency 6, at
12 IB TIU MIG6.
Kakasuhan ang mga
suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
No comments:
Post a Comment