Posted June 12, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
May bago na ngayong Station Commander ang Philippine
Coast Guard (PCG) Caticlan sa katauhan ni Lieutenant Commander Eric
Ferrancullo.
Si Ferrancullo ay galing sa PCG-Antique at nag-aasume ng
bagong assignment sa Caticlan nito lamang buwan ng Mayo.
Malaking hamon umano kay Ferancullo ang bagong nitong
assignment lalo na at sakop nito ang buong probinsya ng Aklan lalo na at
papasok na ang panahon ng bagyo.
Isa rin sa tinututukan ngayon ng PCG ay ang pagpapaigting
ng seguridad sa mga pantalan at territorial waters ng probinsya katuwang ang
Maritime Police at Task Force Boracay.
Samantala, pinag-hahandaan na rin umano ng kanilang
opisina ang Habagat Season kung saan may mga nakalatag na silang preparasyon at
isa na dito ang pag-deploy ng mga Coact Guard sa paglipat ng schedule ng bangka
sa Tambisaan at Tabon Port.
No comments:
Post a Comment