Posted June 21, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Handang-handa na ang Municipal Disaster Risk Reduction
and Management Office (MDRRMO)ng Malay sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan.
Simula kasi ngayong buwan ng Hunyo ay nararanasan na ang
ihip ng habagat na nagdudulot ng paglakas ng alon at pag-uulan na sanhi ng
pagbabaha sa ilang bahagi ng isla at bayan ng Malay.
Dahil sa posibleng pagpasok ng bagyo at mga hindi
inaasahang kalamidad sa ating bansa, naglatag na ng paghahanda ang Municipal
Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)ng Malay sa anumang
sakuna na maaaring mangyari.
Sa panayam kay MDRRMO Administration and Training
Assistant Krysti Ana Magracia, may nakabantay na umanong mga Lifeguards at
Beach Guard sa kahabaan ng long beach ng isla at may mga designated posting
area ang mga ito kung saan pwedeng humingi ng tulong ang mga bisita.
Samantala, sapat na rin daw ang rescue equipment ng
kanilang mga tao sakaling dumating ang panahon na sila ay ri-responde.
Dagdag pa ni Magracia, bukas na ang hotline 106 ng
MDRRMO-Malay para sa nais humingi ng tulong o assistance lalo na sa panahon ng
emergency.
Maliban dito, may mga nakalatag na aktibidad ang
MDRRMO-Malay sa susunod na buwan ng Hulyo para sa iba’t- ibang grupo na
kanilang isasailalim sa pagsasanay para sa paghahanda sa panahon ng mga
sakunang posibleng mangyari.
No comments:
Post a Comment