Posted May 24, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang naging pang-bungad sa Privilege Speech ni
Sangguniang Bayan Member Nenette -Graf sa ika- 16th Regular Session
ng SB-Malay nitong Martes.
Ani Graf, incompetent umano ang mga empleyado sa dalawang
port at kahit umano Malaynon ay kinukwestyon kahit nagsasalita na ng Aklanon sa
tuwing dadaan at kukuha ng gate pass sa Jetty Port at Cagban Port.
Komento naman ni SB Jupiter Gallero, dapat umanong turuan
ang mga clerk kung paano pakitunguhan ang mga bisita dahil minsan ay nakaka-insulto
pa umano kung makatitig ang mga nagbabantay dito.
Sa suhestiyon ni SB Pagsuguiron, kailangan na imbitahan
si Jettyport Administrator Niven Maquirang para pagpaliwanagin dahil kung ID lang
naman ang pagbabasehan ay pwede rin umanong magpagawa ng ID sa Recto para lang
makapasok sa Jetty Port.
Kung si SB Bautista naman ang tatanungin, mariing namang sinabi
nito na ang “batas ay batas” at sundin dapat kung ano ang nakalagay sa ordinansa
at dapat maging practice ito sa mga tao dahil ito ang tama.
Nakita rin ni Bautista na maaring masolusyonan ang
problema kung tutulong ang LGU-Malay sa bawat Barangay na magkaroon ng makina
na gagamitin para sa pag-issue ng Baranggay ID.
Sa ganito umanong paraan ay iwas na sa abala at malalaman
na ang pagkakakilanlan ng tao kung ito ba ay Malaynon.
Kaugnay nito, sinang-ayunan ni Vice Mayor Abram Sualog na
tama umano ang sinabi ni Bautista kaya nais niya ngayong hikayatin ang mga
Barangay na mag-isyu ng Barangay ID.
No comments:
Post a Comment