Wednesday, May 24, 2017

Establisyemento sa Boracay, ipapatawag re: Waste Disposal

Posted May 24, 2017
Ni Danita Jean Pelayo, YES FM Boracay

Image result for dante pagsuguironBalak ngayong ipatawag ang atensyon ng ilang establisyemento kasama na ang BIWC kaugnay sa mga bumabahang  dulot ng tagas mula sa drainage system.

Nag-ugat ang usaping ito ng maging laman ng Privelege Speech ni SB Dante Pagsuguiron ang tungkol sa isang establisyemento sa Balabag Area kung saan ay sentro na pinupuntahan ng mga turista.

Ani Pagsuguiron, nagsisilbing sentro na umano na pasyalan ng mga turista ang establisyementong ito subalit makikita naman dito ang pagbaha ng nasabing lugar.

Kaugnay nito, nais ni SB Jupiter Gallenero na ipatawag ang atensyon ng Boracay Island Water Company dahil sila ang in-charge sa sewerage at ang may alam sa STP.

Kapansin-pansin umano na used water na ang lumalabas at posibleng hindi konektado sa sewer dahilan kung bakit tumatagas at kung minsan ay may kasama pang hindi kanai-nais na amoy.

Samantala, napagkasunduan ng SB na pagpaliwanagin ang mga kinatawan ng mga ipapatawag para sa mas malinaw na pag-resolba sa isyu.

No comments:

Post a Comment