Posted May 26, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Tututukan ng bagong talagang DENR Chief na si Environment
Secretary Roy Cimatu ang isla ng Boracay para i-monitor ang kalidad ng tubig at
waste management ng isla.
Ayon kay Cimatu, ang problema sa environment ang siyang
pangunahin niyang aayusin sa mga tourists destination katulad ng Boracay kung
saan tututukan niya ang pamamahala ng solid waste sa kilalang top attraction sa
bansa.
Aniya, ang batas ay nariyan na at ang kailangan na lamang
dito ay implementasyon kung saan may direktiba na rin umano ito sa DENR Officials
ng Western Visayas ang pagbibigay sa kanya ng weekly reports kaugnay sa kalidad
ng tubig sa Boracay.
Kaugnay nito, tutulong naman ang naturang ahensya sa
Lokal na Pamahalaan ng Malay ukol sa isyu ng Solid Waste Management.
Nabatid na kilala ang 1,032-hectare island na ito dahil
sa mala-polbong buhangin at ang malinis na dagat na dinarayo ng mga turista.
Kung matatandaan, nahaharap ngayon ang Boracay sa isyu ng
basura at waste water management.
No comments:
Post a Comment