Posted May 24, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Todo bantay na ngayon ang Department of Trade and
Industry-Aklan sa pag-monitor ng mga bilihin partikular sa school supplies ng
mga estudyanteng mag-aaral.
Ayon kay OIC DTI-Aklan Ma. Carmen Iturralde, nagsisimula
na ang kanilang monitoring sa mga nagbebenta ng school supplies sa probinsya subalit
hindi pa niya alam kung may mga pagbaba o pagtaas sa presyo.
Samantala, makikita naman sa website na www.dti.gov.ph.
ang presyo ng mga bilihin para sa mga gamit sa paaralan na siyang malaking
tulong sakaling sila ay pumunta sa mga pamilihan.
Dagdag pa dito tingnan din umano ang mga bibilhan na
gamit kung may pangalang “Non Toxic”.
Kaugnay nito, kahapon araw ng Martes, nagsimula na ang
kanilang “Balik Eskwela Diskwentro Sale” sa Covered Court ng Altavas, kasunod
nito bukas May 25 sa Covered Court naman ng Nabas at May 26 sa Tangalan Public
Market ng Tangalan.
Itong tatlong araw na Diskwentro Sale ng DTI-Aklan ay para
matulungan ang mga magulang at makatipid sa pagbili ng gamit sa eskwela ngayong
nalalapit na pasukan.
No comments:
Post a Comment