Posted May 25, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Photo Credit: Boracay PNP |
Dahil sa nangyaring pang-aatake ng Maute Group sa Marawi
City sa Mindanao, naka-full alert status ngayon ang hanay ng mga kapulisan ng
probinsya partikular sa isla ng Boracay.
Sa panayam kay Deputy Director Police Inspector Jose Mark
Gesulga ng Boracay PNP, kahit wala umanong sightings dito sa probinsya ay gumagawa
sila ng hakbang upang ipaalam sa mga tao kung ano ang mga dapat gawin ng dahil
sa nangyayaring pag-atake sa Marawi City.
Ani Gesulga, nagkaroon na umano sila ng pakikipag-ugnayan
sa Muslim Community para sa mas mabilis na koordinasyon ng otoridad sakaling
may mapansing mga kahina-hinalang elemento sa paligid.
Samantala, sa kanilang pag-uusap ni Senior Superintendent
Deputy Regional Director for Operations at Chief of PNP Regional Drug
Enforcement Unit (FDEU) Christopher Tambungan ng PRO-6, sa tulong umano ng
media ay madaling maipababatid sa publiko ang kanilang security measures at ng
sa gayon ay maiwasan ang pagpasok ng mga may masasamang balakin.
Kaugnay nito, malaki umanong tulong ang resulosyon sa
pag-buo ng “Joint Task Force Boracay” nito lamang nakaraang linggo dahil ito ay
may kaugnayan upang masiguro, maging maagap at handa ang Boracay at Malay sa
anumang banta sa seguridad at para pagtibayin ang kaalaman ng publiko laban sa
mga taong may masamang binabalak.
Magpupulong ngayon ang Boracay PNP at iba pang security
forces ng Task Force Boracay upang pag-uusapan ang karagdagang hakbang na
gagawin lalo at hindi pa humuhupa ang tensyon sa Marawi City.
No comments:
Post a Comment