YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 24, 2017

63 blood bags, nakolekta sa bloodletting activity ng BFI

Posted May 24, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Naging matagumpay ang ginanap ng Blood Letting Activity ng BFI nitong linggo bilang bahagi ng kanilang 20th anniversary.
Nakolekta sa nasabing aktibidad ng 63 blood bags o katumbas ng 28,350 ml na galing sa mga blood donors.

Nabatid na ang "Bleed for a Cause” ay isang inisyatibo ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) katuwang ang Philippine Red Cross-Boracay Malay Chapter kung saan layun nitong itaas ang awareness ng kahalagahan ng blood donation na makatutulong sa mga pasyente at maging mga turista na nangangailangang salinan ng dugo.

Samantala, ang BFI ay binubuo naman ng mahigit sa 150 miyembro ng mga establisyemenmto sa isla kasama na ang mga resorts, hotels, restaurants, water sports stations, airlines, banks, island organizations, residents, at expatriates.

No comments:

Post a Comment