Friday, May 26, 2017

APPO, naka-full alert status dahil sa Marawi Terror Attack

Posted May 26, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for nida gregas
Naka- full alert status na ang Aklan Provincial Police Office bilang tugon sa krisis na hinaharap ngayon ng Marawi City.

Sa panayam ng himpilang ito kay APPO Public Information Officer SPO1 Nida Gregas, nakahanda na umano ang kanilang hanay at pwede ng i-deploy anumang oras pagkatapos ng nangyaring gulo sa Mindanao Region.

Nais ng Aklan Police na masiguro ang seguridad at kaayusan kung saan asahan na umano ang mga gagawing checkpoints para sa preventive security measures.

Dagdag pa ni Gregas, nais ng pambansang pulisya na masiguro na mas mapatibay ang vital installations at key economic points, intensified security patrols, intelligence monitoring, close coordination katuwang ang AFP counterparts at iba pang law enforcement agencies para sa mga update ng sitwasyon.

Samantala, ipinaaabot nito sa publiko na maging vigilant, iwasan din umano ang pagpo-post ng mga impormasyon sa social media habang hindi pa ito napapatunayan ng sa ganun ay maiwasan ang public panic at agad na mag-report sa mga hanay ng kapulisan sakaling may mapansing kahinahinalang galaw o personalidad.

Magugunitang dahil sa pag-atake ng mga teroristang grupo ng Maute na pinaniniwalaang kaanib na ng ISIS ay nagdeklara si President Duterte ng Martial Law sa Mindanao.

No comments:

Post a Comment