Posted March 16, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Kinilala ngayon ng mga miyembro ng Sangguniang
Panlalawigan (SP) Aklan ang atletang Aklanon na si Kyla Ong Soguilonsa sa
ipinamalas nitong galing sa larangan ng paglalangoy.
Si Soguilon ay binigyang pagkilala ng SP-Aklan matapos
nitong masungkit sa tatlong sunod-sunod na taon bilang Junior Athlete of the
Year at Milo Junior Athlete of the Year.
Kung matatandaan napanalunan ng Aklanong atleta sa 21st
Milo Little Olympics Visayas Regional Finals sa Cebu ang 10 gold medal at
nakapagtala ng apat na bagong record.
Nanalo rin siya
sa international game sa bansangAustralia, Hong Kong, Singapore, Japan at Dubai.
Sa Palarong Pambansa
naman, napanalunan niya ang apat na ginto, dalawang silver medal at
kinilalang Most Outstanding Swimmer at Most Bemedalled Athlete.
No comments:
Post a Comment