Posted March 15, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Patay-sindi na
ilaw.
Ito ang naranasan
ng mga residente sa Boracay at buong probinsya ng Aklan noong nakaraang sabado
at linggo hanggang nitong mga nakaraang araw.
Kaugnay nito,
aminado ngayon ang pamunuan ng AKELCO na nakakatanggap sila ng samu’t-saring
reklamo mula sa mga kunsumidor lalo na sa mga stakeholders.
Sa panayam ng
himpilang ito kay AKELCO PIO Yoko
Mendoza, ang patuloy na restoration at upgrade para mapaganda ang linya ng 138KV Panit-an –
Nabas Transmission Line ng NGCP na sinira noong 2013 dahil sa bagyong Yolanda
ay isa sa mga dahilan kung bakit nararanasan ang brown-out.
Dagdag pa nito, nangyayari
minsan ang biglaang pagkawala ng kuryente dahil na rin sa safety measure na
kanilang ginagawa para maiwasan ang malaking problema o disgrasya dahil na rin
sa taas ng mga demand ng kuryente na nagiging overload na minsan.
Dahil sa mga
nabanggit na dahilan, humihingi ito ng pang-unawa ng publiko.
Pag-amin naman ng
isang malaking resort sa isla, taon-taon umano ay namomroblema ang kanilang
kumpanya dahil sa mga sira ng mga electrical appliances.
Sa pahayag
ni BFI President Diony Salme, bagama’t nabatid nila na inaayos ng AKELCO ang
kanilang linya ay hindi pa rin aniya maiwasang magreklamo ang halos lahat ng
stakeholders dahil sa interupsyon.
Hindi naman umano
nila masisisi ang AKELCO, dahil kung minsan ang problema ay nanggagaling sa
supplier, transmission o sa distributor kung saan pati ang notice ng brown- out
ay hindi naman nasusunod.
Samantala, umaasa
naman ang publiko na maisaayos ang usaping ito dahil naaapektuhan na rin maging
ang mga appliances dahil sa mga sunod-sunod na patay- sindi ng kuryente.
No comments:
Post a Comment