YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 14, 2017

PRC Boracay-Malay Chapter tumanggap ng donasyon mula sa Rotary Club of Jindo

Posted March 14, 2017
Ni Alan Palma, YES FM Boracay

Masaya at may galak na tinaggap ng Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter ang unang batch ng mga gamit mula sa Rotary Club of Jindo- Korea.

Sa ginawang turn-over ceremony ng proyektong Global Grant 1640616, dinaluhan ito ng mga Rotarians mula Korea sa pangunguna ni IPP Jung at ilang Past District Governors.

Sa seremonya ng ginawa, pormal na tinaggap ni PRC Boracay-Malay Chapter Chairman Jojo Medina at mga Board of Directors ang mga gamit tulad ng laptops, printers, sterilizer, at mga beds and chairs para sa Local Blood Collecting Unit o Blood Station ng chapter.

Ayon kay Chapter OIC John Patrick Moreno, may darating pa na mga gamit sa susunod na mga araw kung saan inaasahan nila na ito ay makakatulong sa mga nangangailangan ng dugo sa isla lalo na sa panahong ng emerhensya.

Dagdag pa ni Moreno, sakaling operational na ang Blood Station sa Boracay ay pagsuri na lamang ng mga dugo ng mga donors ang prosesong gagawin bago ito gamitin ng mga pasyenteng nangangailangan sa isla at kalapit na lugar.

Anya, sa ganitong development ay may kapasidad na ang Boracay na magkolekta at mag-ipon ng dugo na hindi na aasa o tatakbo pa sa ibang Blood Bank o Blood Station sa kalapit na lugar tulad ng Roxas at Iloilo City.

Sa kasalukuyan ay inaayos nang Philippine Red Cross ang silid para paglalagakan ng gamit ng Boracay Blood Collecting Unit o Blood Station.

No comments:

Post a Comment