Posted March 16, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
“Masakit sa sikmura at nakakahilo dagdag pa ang kawalan
ng ganang kumain”
Ito ang naging pahayag ng mga residente ng Brgy. Manoc- Manoc,
Boracay na nakararanas ng masangsang na amoy na nagmumula sa Centralized MRF.
Sa panayam ng himpilang ito sa mga guro ng Manoc- Manoc
Elementary School, naaapektuhan na ang kanilang klase dahil sa pag- alingasaw
ng mabahong amoy ng basura.
Noong una raw ay nato- tolerate pa umano ang nasabing
problema ngunit ang sitwasyon ngayon ay lumalala na.
Anila, wala silang magawa kundi ang mag-facemask na
lamang sa ganitong sitwasyon kung saan ipinag- aalala nila ang kalusugan ng
kanilang mga estudyante na ang isa nga sa mga ito ay di-umano’y naranasan ang pagsusuka
at pagdaing ng iba na masakit ang tiyan.
Salaysay pa ng mga guro, may nakalatag na MRF Monitoring
ang Manoc- Manoc Elementary School kung saan naka- indicate dito ang level ng
nararanasang abala.
Sa naging pahayag ng isang mag-aaral sa naturang paaralan,
nabanggit nito na gumagamit umano siya ng face mask ng sa ganun ay maibsan ang
masamang amoy subalit ang ilan sa kaniyang mga kaklase ay wala man lamang magamit.
Isang ginang pa ang nagsabi na sa tagal nilang
naninirahan ay ngayon lamang niya naranasan ang ganitong klaseng problema sa
nasabing Centralized MRF na hindi maipagkailang nagiging malaking isyu na.
Mangiyak- ngiyak din ang isang ina ng makausap ng
himpilang ito, dahil sa dinaranas ng kanyang mga anak, bukod sa masakit sa ulo
at masakit din sa tiyan ay nakakawala pa umanong ganang kumain pag- umusbong na
ang mabahong amoy.
Samantala, sa lahat ng mga nagbigay ng pahayag, iisa
lamang ang naging tugon dito at ito ay ang agarang aksyon ng kinauukulan ng sa
gayon ay hindi na magbigay ng problema sa kalusugan ng mga naninirahan doon at
nais din nilang ipaabot ang panawagan para sa donation ng facemask para sa mga
estudyante na hindi kayang bumili.
No comments:
Post a Comment