Monday, March 13, 2017

MS Europa, nasilayan sa isla sa ikaapat na pagkakataon

Posted March 13, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for MS EUROPA
Nasilayan na ang barkong MS Europa ngayong araw sa isla ng Boracay.


Ito’y matapos na dumaong ang cruise ship kaninang alas-onse y medya ng tanghali lulan nito ang apatnadaang katao kasama ang tatlongdaang mga crew na magtatagal hanggang mamayang alas-syete ng gabi.

Nabatid na dumaan muna ang barko sa Tagbilaran bago tumungo ng Boracay at maglalakbay patungong Malcapuya Island sa Coron Palawan.

Kaugnay nito, darating din bukas ang MS Celebrity Constellation na isang maiden call na una nang naudlot ang pagdaong dahil sa malakas na alon.

Samantala, ito na ang ikaapat na pagkakataon ng nasabing barko at aasahan pa ang pagdating ng iba pang mga luxury cruise ship para sa taong ito.

No comments:

Post a Comment